MRT: Hindi Matapos Tapos na Aberya sa Buhay at Pamumuhay

Nagsimula ang lahat noong mga panahon na nagsusunod sunod ang aberya sa MRT kasabay ng pagdating ng napakaraming tao upang gamitin ang serbisyong hatid ng gobyerno. Sa bawat araw na lumilipas, umaabot sa halos isang milyon ang sumasakay sa MRT kaya naman kung magkaka-aberya ito sa sistema ay todo na lamang ang daing ng mga tao dahil sa mga gawain na nade-delay.

Nangako noon ang administrasyong ito na isa sa mga unang aasikasihin. Ngunit tila mapapansin na sa paglipas ng isang taon sa pwesto, walang nagwa upang aksyunan ang problema sa transit system ng bansa. Buti sana kung ito lang, ngunit halos lahat yata ng pangako ay walang natupad.

MRT-3_Philippines_breakdown

Kung may bagon man na masisira, pilit na pinaglalakad ang mga tao sa napakadelikadong daan sa gilid ng riles. Kung malayo ka pa sa istasyin na iyong bababaan, ikaw ang kawawa.

Ito ay isang problemang pinangakong aayusin ora-mismo. Pero ngayon bumabalik na ang problema, tila wala yatang naihandang solusyon ang gobyerno upang maayos ang problemang ito.

Isang taon mula nung maupo, mas lalo lamang lumala ang problema. Isang taon mula ng maupo, walang nangyari. Ito ba ang pagbabagong inaasahan natin sa ating gobyerno? Nakakalungkot.

(DISCLAIMER: This article was sent to the team of Real PH via e-mail. This particular entry is not written by anyone from the team of  RPH. Real Philippines is now accepting entries  from everyone who wishes to have their works published. Laban Pilipinas! Thank you!)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s