#NaDuterteTayo: Si Duterte at ang Kanyang Kalusugan

Tayo ay pinamumunuan ngayon ng isang Pangulo na nagsinungaling sa bayan.

Patuloy pa rin ang pagtatago ng katotohanan sa publiko ng totoong kalagayan ng kalusugan ni Pnagulong Duterte. Sa halip na maging mas totoo sa mga tao, tila mas pinipili nila na ipakitang walang iniindang karamdaman ang Presidente.

Isang malaki at hindi birong isyu ang lagay ng kalusugan ng Pangulo dahil ito ay makaapekto sa kanyang pagganap sa kanyang sinumpaang tungkulin. Kamakailan lamang ay pumutok ang isyu sa pagiging adik umano ng Pangulo sa isang gamot na kung tawagin ay Fentanyl. Ang gamot na ito ay ang mismong gamot na ine-reseta sa kanya ng mga Doctor na sinasadya niya pang puntahan sa lungsod ng Guangzhou, China. Ayon kay dating Senador Francisco Tatad, nakatanggap siya ng isang classified na impormasyon na nagsasabing sinasadya ni Pangulong Duterte ang sikat at prestihiyosong Fuda Cancer Hospital upang ipagpatuloy ang kanyang gamutan na tila hindi na matatapos.

Ngunit sa kabila ng patuloy na pag-tago ng katotohanan ng kampo ng Pangulo, tila hindi talaga titigil ang katotohanan hanggang sa ito ay makawala sa matinding pagkakatago. Isang video ang inilabas ng Inquirer.net sa kanilang facebook account ang nagapapakita na umiinom ang Pangulo ng kanyang gamot, bagay na talaga namang nakakapagpabagabag dahil kung talagang maayos ang kalagayan ng kalusugan ng Pangulo, ay hindi nito kakailanganin na uminom ng gamot habang nasa isang public event at sa harap mismo ng mga tao.

Wala naman sigurong malusog na taong kakailanganin na uminom ng gamot sa kalagitnaan ng isang event, hindi ba?

Bukod pa rito, nakapagtataka rin ang pagiging defensive ng pangulo sa tuwing tatanungin siya kung kamusta na ba ang lagay ng kanyang kalusugan. Tila parang iwas na iwas ang pangulo sa isyu na ito at kanyang di mabigyang linaw marahil sapagkat takot siyang lumabas ang katotohanan.

Kung pagtatagpi-tagpiin ang mga naunang punto, iisa lamang ang lumalabas na konklusyon: Ang Pangulo Rodrigo Duterte ay may Kanser.

Dagdag lamang. Ang Pangulong nagsisinungaling sa bayan ay ginagamit ang mismong pera ng taumbayan upang siya ay makapagpagamot. Hahayaan na lamang bang gamitin ng pangulo ang pera ng bayan sa isang bagay na pilit niyang pinasisinungalingan sa mata ng mga Pilipino?

Hahayaan ba nating pamunuan tayo ng isang taong pilit itinatago ang katotohanan sa publiko upang manatili sa kapangyarihan? Bukod dito, kung may kanser ang Pangulo, Kakayanin pa kaya niyang mamuno sa mga susunod pang taon?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s