DESTROYING DE LIMA

A friend of mine is anxious about the congressional hearing. Malapit na raw siyang maniwala sa bintang kay De5 dahil sa dami ng witnesses. Sabi ko huwag. Bakit kanyo?

1. Kung may katotohanan yan, dapat sa husgado nagdemanda, Basta may matibay na ebidensya, idemanda mo. Di naman gagastos si Aguirre, kasi gobyerno ang kinakatawan niya. Di niya kailangan ang abugadong pribado. DOJ Chief siya! Sus!

2. Kung may matibay na ebidensya, bakit sa Congress na covered ng media ipiniprisinta? Kayo naman, pag yan ay naisampa na sa husgado, hindi na pwedeng idiscuss ang merits ng kaso. Wala nang propaganda value.

3. Bakit kailangan ang propaganda value? Kasi ang objective ay “destroy de5”, hindi hanapin ang hustisya. Paano mo masisiraan kung bawal pag-usapan ang kaso sa husgado?

4. Maipapatanggal ba ng congressmen and isang senador? Hindi.

5. Pwede bang idemanda si De5 sa korte? Oo, dahil wala siyang immunity from suit.

6. Yung reklamo ni Aguirre na pinapahirapan siya ng AMLAC para masilip ang accounts ni De5? Chong, bago mo yan mabuksan, kailangan munang may graft case against De5. Idemanda mo si De5 ng graft, baka sakaling magtestify pa si Ombudsman Morales. Yun naman ay kung may makita siya. Tingnan mo ang nangyari sa kaso ni late CJ Corona.

Pero ang pagkuha ng banking information na walang court order? ATTORNEY, alam mong di pwede yun.

So, ano itong palabas na ito sa Congress? It is meant to destroy the one brave soul na openly lumalaban kay PDuts – si De5. Trial by publicity. Ulitin nang ulitin ang paratang hanggang akalain ng masa na totoo. Yung masa, pero hindi ako.

Kaya kay Aguirre: Idemanda nyo yang si Leila sa Ombudsman, pag si Omb. Morales pa ang maniwala sa inyo, baka sakali — baka sakali, ha? — na maniwala ako.

Kung hindi rin lang nyo kayang dalhin sa korte ang kaso, tigilan mo na si De5.

Natiis nyang makahiwalay sa asawa. Nadala niya at napalaki ang anak na may autism. Hindi nyo yan matitinag.

Isang babae lang ang tinitira nyo e, barkadahan pa kayo. Ang sabi nga sa amin sa Batangas: Ano ga’ng pagkahihina ng mga yan?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s