Multo ng Kahapon: Ang muling pagbangon

mcdutz
Maituturing nga ng bansang Pilipinas na isang bangungot ang panahon ng Martial Law at hanggang ngayon tila patuloy tayong minumulto ng madilim na kahapon.
 
Hindi lamang sa ala-ala ng nakaraan, kundi sa literal na unti-unting pagbuhay muli sa isang diktaduryal na pamahalaan.
 
Aminado ang kasalukuyang presidente Rodrigo Duterte na lubos ang kanyang paghanga kay Ferdinand Marcos at sang-ayon ito na maipalibing sa libingan ng mga bayani ang dating diktador.
 
Isyung nagbukas sa posibilidad ng pagkabuhay ni Marcos sa katauhan ni Duterte. Kung ganoon na lamang niya iniidolo ang isang lider na tiwali, sinungaling at mamamatay tao, hindi malayong gawin din niya ang mga nagawa ni Marcos.
 
Isinailalim sa state of lawlessness ang bansa matapos ang Davao blast noong Setyembre 2, 2016. Isang pangyayaring maihahalintulad sa pagsasailalim ng Pilipinas sa Martial Law nang bombahin ang Plaza Miranda noong taong 1972.
 
Matatandaang matapos maideklarang pangulo, naghain ng isang kautusan si Duterte na bakantihin ang ilang pwesto sa gobyerno para ibigay sa kanyang mga napiling umupo sa mga ito.
 
Katulad din nang ginawa ni Marcos ilang araw matapos niyang ihain ang Martial Law.
 
Dahil sa lumalalang krimen at tumitinding banta sa seguridad ng bansa, ninanais din ng bagong pangulo na palakihin ang pwersa ng militar katulad ng ginawa ni Marcos sa parehong dahilan.
 
Sa ilalim ng Martial law, daang libong Pilipino ang napatay, nakulong, at naabuso. Habang sa loob ng dalawang buwan, halos nasa 2,000 na tao na napapatay ng kasalukuyang administrasyon sa kampanya laban sa droga.
 
Pinagbantaan ni Duterte ang kongreso kung sakaling maging hadlang ito sa kanyang mga plano sa pagsugpo ng kriminalidad.
 
At kung aakusahan siya patungkol sa isyu ng kanyang tagong yaman, kanyang bubuwagin nang tuluyan ang kongreso.
 
Katulad din nang ginawa ng dating pangulong Marcos noong paimbistigahan ang kanyang mga tagong yaman sa labas ng bansa.
 
Ang sinumang manira noon kay Marcos ay agad niyang ipinakukulong. Habang ginagawan naman ni Duterte ng kung anu-anong balita ang sumalungat sa kanya.
 
Kagaya ng ginawa niya kay Sec. Leila De Lima matapos maglabas ng testigo na nag-uugnay sa kanya sa Davao Death Squad.
 
Inalis si De Lima bilang Chair ng Committee on Justice and Human Rights at ipinalit si Sen. Dick Gordon, isang Marcos loyalist na nagsusulong ng suspensiyon ng writ of habeas corpus.
 
Pinagdedebatihan na din ang pagbalik ng death penalty sa bansa.
 
Ang suspesiyon ng writ of habeas corpus at death penalty ay parehong naisabatas noong panahon ng Martial Law.
 
Hindi naging maganda ang epekto ng Martial law sa bansa. Bumagsak nang husto ang ekonomiya. At hindi malayong mangyari ulit ito sa unti-unting pag-alis ng mga foreign investors sa Piilipinas.
 
Bukod sa mga halimbawang una nang nabanggit, matatandaang pinagbantaan din ng pangulo si SC Ma. Lourdes Sereno na magdedeklara ng Martial Law matapos masangkot ng ilang mahistrado sa kaso ng ilegal na droga.
 
Naging mainit din ang usapin nang pagnanais ni Presidential legal counsel Salvador Panelo na ipagkaloob sa pangulo ang “constitutional dictatorship”, na magbibigay sa pangulo ng parehong executive at legislative power.
 
Mula noong tumakbo ay walang nailatag na malinaw na plano si Duterte para sa bansa. Wala rin nakasisiguro sa kung ano ang mga maaaring mangyari sa loob ng anim na taon.
 
Kaya naman sa kabila ng pahayag ni Duterte na kailanman ay hindi siya magiging isang diktador at hindi niya susundan ang mga hakbang ni Marcos, hindi pa rin maiaalis ang takot sa maraming Pilipino, biktima man ng Martial Law o hindi.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s